
Kinuha mula sa https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=UAJvW5HRGtrz9QPDyYsg&q=akademikong+sulatin&oq=ak&gs_l=img.1.0.35i39k1j0i67
k1l3j0l6.3719.11228.0.13433.25.18.0.0.0.0.481.1221.2-1j0j2.3.0….0…1c.1.64.img..22.3.1217.0..0i10k1j0i10i24k1j0i8i30k1.0.lKN5zsdI2R0
Nais ng E-porfoliong ito na maibahagi o maipakalat ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa akademikong sulatin o sulating akademiko. Nais netong maipaunawa at mag bigay kaalaman sa iba’t ibang halimbawa o nilalaman ng sulating akademiko. Isa sa ito sa mga daan o paraan upang maipahayag, maikalat, paipaalam ang mga aral at leksyon na maaaring matutunan at matuklasan sa akademikong pagsulat. Paraan para mapalawak pa ang saklaw ng mga taong mababahagian ng kaalaman.
“MALAT”
Ang nabuong Pen name ng mga mag-aaral ay “MALAT”. Nabuo ang MALAT dahil sa pinagsamang dalawang salita na ang ibig sabihin ay MA para sa MAlikhaing at LAT para sa manunuLAT. Ang isang manunulat ay tumataglay ng isang kaisipang malikhain, kaisipang malawak mag isip isang malikhaing manunulat na kayang dalhin ang mga mambabasa sa ibang dimensyon sa pamamagitan ng kanyang likhang mga obra.
Bionote ng Mag aaral

Siya ang mag aaral na si Mhica Ella Samson Ruiz, siya ay nagtapos ng K-12 o Senior High School sa kursong Accountacy and Business Management sa paaralan ng Lagro HighSchool at kasalukuyang pinagpapatuloy ang kursong accountancy sa paaralan ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.
Sa taon niya sa Elementarya ay naging bahagi siya ng kanilang School Varsity at nakipaglaban sa iba’t ibang eskwelahan para sa karangalan ng kanilang paaraan. Sakanyang taon naman sa Junior Highschool naging bahagi siya ng isang Broadway play kung saan nabigyan siya ng malaking posisyon na. Ginampanan niya ang katauhan ni Eva Peron o kilala bilang Evita. Maaari siyang makontak sa kanyang email na mhicaruiz01@yahoo.com

Siya si Marjorie Pedimonte. Siya ay nagtapos ng Senior Highschool sa kursong Accountancy and Business Management sa paaralan ng Lagro Highschool. Siya ay kasalukuyang nag-aaral ng Tourism Management sa paaralang World City College (WCC). Maaari siyang makontak sa kanyang email na marjpedimonte@yahoo.com
Ano ang Akademikong Sulatin?
Ayon kay Kathuson, (2016) Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Ito ay nakabatay sa personal na buhay o di kaya pang – akademiks at intelektwal ng pangunahing tauhan. Sa pamamagitan ng akademikong sulatin malalaman natin ang kwento ng bawat tao.
Akademikong sulatin ang magbibigay linaw at kasagutan sa mga katanungan ukol sa iba’t ibang aspetong nakapaloob dito. Sa pamamagitan nito malalaman at mauunawan ang bawat istoryang bumabalot sa bawat indibidwal na manunulat o manlilikha.
kinuha mula sa http.wordpress.com/2016/10/17/akademikong-sulatin/
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin
Abstrak
– Ang Abstrak ay karaniwang ginagamit sa pagsusulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyantipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
kinuha mula sa https://brainly.ph/question/765639#readmore
Halimbawa ng Abstrak
(Deskriptibo)
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz
Pamagat: Mga Epekto ng Cyberbullying sa Mag-aaral ng Senior High school sa M.A.C
Mananalliksik: Jomar Axel R. Yambao
Petsa: Marso 2017
I. Suliranin:
Ang pagpapahiya sa mga kapwa tao na humahantong sa sikolohiya at emosyonal na pamamaran. Iba’t ibang dahilan kung bakit nila nagagawa o ginagawa ang uri ng ganitong karahasan. Sino sino ang mga nagiging biktima ng pagmamaton ng ibang indibidwal sa sosyal media o internet at ang mga nagiging epekto nito sa mga taong nakakaranas nito mapasikolohiya.
II. Layunin:
-Para alamin ang kahulugan ng cyberbullying
-Para malaman ang epekto ng cyberbullying
-Para malaman ang porsiyento ng nakakaranas ng cyberbullying sa bansa
-Suriin ang mga dahilan ng pambubully gamit ang teknolohiya
-Para malaman ang solusyon upang maiwasan ang cyberbullying
-Alamin kung sino ang nagiging biktima at nambibiktima
III. Methodolohiya:
Ang paraan na ginamit ng mananaliksik ay Descriptive Survey Design (Survey Questionnaire) upang makakuha ng datos sa mga respondente patungkol sa epekto ng cyberbullying.
IV. Saklaw:
Ginawa ang pagkuha ng survey o datos sa Subic Freeport Zone at sa Senior High School ng Mondriaan Aura College, pili lamang ang mga naging respondente dahil nakadepende ito kung ang respondente ay nakaranas ng nabully o isa ito sa mga nambully sa kapwa niya tao.
Halimbawa ni Marjorie Pedimonte
Pamagat:
Masamang epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan sa kalusugan, pag aaral at pakikipag-ugnayan
Mananaliksik:
Mag-aaral ng SOUTHERN Philippines Agri-Business, Marine and Aquatic School of Technology
Petsa:
Marso 17, 2008
I. Suliranin
Ang paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kalalakihan ang kadalasang gumagawa at gumagamit. Ito ay nakakasama at maaaring magdulot ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng mga tao sa lipunan. Ang usok ng sigarilyo ay naipapasa sa mga katabi o nakakalanghap nito. Ito ay nagdudulot ng hindi maganda sa ating katawan at maging sa ating kinabukasan.
II. Layunin
Mahalaga sa tao ang kalusugan dahil sa pag aaral na ito, mabibigyan ng impormasyon tungkol sa masamang dulot o epekto nito ang isang indibidwal na taong sangkot dito.
III. Methodolohiya
Ang instrumentong ginamit sa pag aaral na ito ay talatanungan. Ang mga tanong ay hahatiin sa tatlong kategorya ito ay ang Kalusugan, Pag-aaral at pakikipag-ugnayan. Bawat kategorya ay may limang tanong na sinasagot ng bawat kalahok sa pamamaraan na paglalagay ng tsek sa bawat tanong na nakalahad.
IV. Saklaw
Ang mga sumagot sa Surbey ay nagmula sa iba’t ibang taon at kurso. Ang mga kalahok ay mga lalaki lamang. Mayroong nagmula sa kursong Edukasyon, BSMB, BSF at D.I.T. ang mga estudyanteng ito ay tumugon sa surbey upang magtagumpay sa ginawang pananaliksik.
Sintesis
– Ang sistensis o buod ay isang pamamaraan kung saan ang isang manunulat o tagapagsalita ay sinasabi ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kumpleto at detalyadong paraan.
kinuha mula sa https://brainly.ph/question/445663
Halimbawa ng Sintesis ni Mhica Ella Ruiz

kinuha sa https://www.google.com.ph/search?q=death+penalty&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi006f4vuXcAhVNWH0KHQ5gB-oQ_AUICigB&biw=1366&bih=662#imgrc=P8TQY69bSFgJpM:
“Death Penalty”
I. Pagbubuod
Ang pagbabalik ng parusang kamatayan o death penalty ay isa sa mga pangunahing patakarang nais maisabatas ng administrayong Duterte. ( Alhambra & Ramos, 2017)
Ayon kay Clavero (2017) Ang parusang bitay ay maaari at hindi maari magsilbi sa kapakanan ng hustisya, marahil ito ay maaaring gamitin upang kitilin ang mga kalayaan aat karapatan ng mamamayang pilipino.
II. Pagdadahilan
Ayon kay Francisco (2017) May mga positibo at negatibong epekto ang pagpapatupad ng death penalty sa ating bansa. Narito ang ilang pagdadahilan kung bakit kailangan maipatupad ang death penalty
– Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
– Dahil mas lumaki ang ginastos ng bansa dahil sa pag-aaruga ng kriminal
– Dahil hindi lahat ng nakakulong ay nagdudusa
– Dahil mapipigilan ng Death Penalty ang pagdami ng mga vigilante na inilalagay ang batas sa kanilang mga kamay.
III. Teknik ng Strawman
Ayon kay Siban (2015) ang pagbabalik ng death penalty ay nakakasama para sa ating bayan dahil isa itong kasalanan sa diyos ang kumitil ng buhay bagamat ang pagbabalik ng parusang bitay ang magbibigay ng hustisya sa mga indibidwal na kinitilan ng pangarap ng kinabukasan at ng buhay. Isa itong paraan upang mabawasan ang krimen sa lipunan paraan upang maibigay ang nararapat na kaparusahan sa mga taong halang ang mga bituka na kumukuha ng buhay ng ibang tao dahil inilagay na nila ang batas sa kanilang mga kamay. Mga biktimang walang laban na pinahirapan, ginahasa, dinumuhan ang pagkatao at pagkatapos ay inalisan ng buhay Death Penalty ang magbibigay ng karapatdapat na hustisya. Naniniwala ang bawat tao na kung ano ang kinuha mo iyoon din ang kabayaran nito.
kinuha sa:
http://www.jjcicsi.org.ph/wp-content/uploads/2017/06/IQF-Vol-IV-No-1-Death-Penalty-Filipino.pdf
Carlallanclavero.blogspot.com/2017/07/03/epekto-ng-death-penalty.html
leahfrancisco.blogspot.com/2017/03/epekto-ng-pagpapatupad-ng-death-penalty.html
https://prezi.com/alxtnublxkh4/thesis-statement?
Halimbawa ni Marjorie Pedimonte

kinuha sa https://www.google.com.ph/search?q=social+media&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjSzta1wuXcAhVUVH0KHQYXA5cQ_AUICigB&biw=1366&bih=613#imgrc=xgq8WfF6oo4opM:
“Kahalagahan ng Social Media”
I. Pagbubuod
Maraming pilipino ang natutulungan ng Social Media. Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng Social Media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin. Ang pagpapahalaga natin sa pakikipag-ugnayan. Pinalawak, pinadali, pinatipid ang Social Media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon.
II. Paghahalimbawa
Ang Social Media ay isang tulay na nagdudugtong sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Halimbawa ng nakaraan ay dito makikita ang mga taong nakapagbigay ng kaalaman, ang mga kasaysayang lugar, ang mga taong maimpluwensya. Ang pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay halimbawa nalang ang mga OFW mga pangyayari sa bayan na kinamulatan at kasalukuyang kinaroroonan. Ang mga impormasyong tungkol sa makabagong teknolohiya at matututunang kaalaman na makapagpapaunlad sa kinabukasan.
kinuha sa:
https://www.google.com/search?biw=360&bih=180&ei=9DRrW7-SD4_0rAH5kb-wAw&q=article%20about%20social%20media%20tagalog&oq=article%20about%20social%20media%20tagalog&gs_l=mobile-gws-wiz-serp.3..0.4897.5248..6007…0.0..0.298.684.0j1j2……0….1………0i71.fCL4-RTpdmM
Bionote
– Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig).
kinuha sa https://brainly.ph/question/411196
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz
NELSON SALVADOR RUIZ, Isang mapagmahal at mabuting asawa sa kanyang minamahal at ama sa kanyang unika-iha. Isinilang noong ika-Labing tatlo ng Agosto taong Labing siyam Pitongput Anim (1976) sa bayan ng Sta. Cruz Manila. Siya ay nakapagtapos ng Kursong BS Maritine Transportation sa paaralan ng Philippine Maritine Institute (PMI College) noong Marso Labing Siyam Siyamnaput Siyam (1999) sa Sta. Cruz Manila. Noong siya ay musmos pa lamang natutunan na niyang magbanat ng buto upang magkaroon ng pambaon sa eskwelahan nangongolekta ng kanin baboy upang magkaroon ng kaunting pera. Ginamit niya ang bawat natutunan sa mga kanyang karanasan sa loob ng Labing pitong taon sa pagtatrabaho.
Siya ngayon ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Aida Cruises Passenger sa posisyon ng Chef De Parte (outlet supervisor) sa Japanese Cucin. Ang kanyang posisyon ay pangatlo sa pinakamataas na ranggo sa langaran ng pagluluto. Maaari siyang makontak sa email na, nelsonruiz888@yahoo.com
Halimbawa ni Marjorie Pedimonte

Siya si Kimberly “lay” V. Pinili, 20 years old. Siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid tatlong babae at bunsong lalaki. Siya ay nagtapos ng elementarya at pinangaralan siyang 1st honorable mention sa paaralang Landayan Elementary School (2004-2010). At noong siya ay 2nd year highschool siya at Top 1 at pinangaralan siyang Best in Math. Nagtapos siya ng sekondarya sa paaralang Llano High School (2010-2014). At ang kursong kinuha nya ay BSBA Major in Financial Management at nagtapos sa paaralang University of Caloocan City (2014-2018). Habang siya noon ay nag aaral ng kolehiyo siya ay nagtatrabaho sa isang fastfood chain para makatulong sa gastusin sa kanyang pag aaral.
Kasalukuyan siyang Data Analyst sa isang kompanya, at unti unti na siyang nakakabawi sa mga paghihirap ng kanyang magulang para siya ay makapagtapos ng pagaaral. Maaari siyang makontak sa email na, pinili.kimberlay@gmail.com
Panukalang Proyekto
– Ang kahulugan ng panukalang proyekto ito ay ipinapasa pa lamang o minumungkahi palang na mga proyekto.Hindi pa ito naisasakatuparan at paguusapan pa lamang ng isang organisasyon o samahan.
kinuha sa https://brainly.ph/question/429781
Pamagat:
Basura mo, Basura ko, Kabuhayan mula sa Basura niyo
I. Panimula
Ito ay isang proposal upang mapahintulutan na magkaroon ng seminar na tumatalakay sa maaaring alternatibong paraan upang magkaroon ng kaunting kabuhayan ang mamamayan sapagkat hindi lahat ng tao ay nakapagtapos ng kanilang pag aaral at nahihirapang kumukuha ng trabaho o maging isang regular sa trabaho.
II. Plano na dapat gawin
A. Ang pag-aproba sa proyektong inihanda (2 araw)
B. Pagplano kabahagi ang mga opesyales ng barangay (3 araw)
i. lugar na paggagawan ng seminar
ii. pagtalakay tungkol sa ihahandang pagkain sa panauhin
C. Pakikipagtalakayan sa mga panauhin (1 araw)
D. Ang pag imbita sa bawat indibidwal sa barangay (2 araw)
i. pagpapaalam ng imbitasyon tungkol sa gaganaping seminar ukol sa kabuhayan mula sa basura
ii. pagtatalaga ng mga magbabantay at titingin sa mismong araw ng seminar
F. Formal na paguumpisa ng Seminar
i. Panauhin
1. Arlene Samson
2. Medina Samson
3. Ana Liza Mante
III. Panahon ng Pag sasagawa
Napagkasunduan na mula Abril 20 hanggang Abril 25 taong 2019 ang magiging seminar tatagal lamang ito ng 5 araw na magsisimula sa oras ng 11 sa umaga hanggang 2 ng hapon.
IV. Bilang ng Benipisyaryo
Inaasahan na aabutin ng 100 hanggang 150 katao ang dadalo sa nasabing gaganaping seminar.
V. Pagkukunan ng magiging Pondo
Kukunin namin ang pondo sa malilikom na pera sa gagawing pagsusulisit sa barangay at opesyal na may mabuting kalooban upang magbahagi ng anumang halaga na bukal sa kanilang kalooban.
VI. Tinatayang Halaga
Pangangailangan sa Seminar
Sound System P 1,500
Upuan P 1,000
Pangangailangan ng Panauhin
Tanghalian P447
Meryenda P300
Tubig P180
Sertipiko ng Pagdalo P225
Kabuoan
Pangangailangan ng Tao P3,500
Pangangailangan ng Panauhin P1,152
Total P4,652
VII. Konklusyon
Nais ng seminar na ito na maibahagi ang kaalaman ng paghahanap buhay sa ibang tao. layunin nitong maturuang ang bawat indibidwal sa barangay na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan na gumagamit lamang ng mga nakikitang basurang nakakalat tulad ng karton, diyaryo, mga bote at kung ano ano pang kagamitan na pwede pa muling mapakinabangan.
Matuturuan ng seminar na ito na dumiskarte ang tao upang makahanap ng pera mula sa basurang nakatambak lamang at dagdag sa kalat ng lugar sa tulong neto magagamit pa ang mga basura muli sa mas kapakipakinabang na paraan.
Talumpati
– Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
kinuha sa https://ynellebalotcopo.wordpress.com/2016/11/26/kahulugan-ng-talumpati-day-1/
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz
Magandang Umaga mga kapwa ko kabataan. Narito ako nakatayo sainyong harapan upang muling buhayin ang pag asa ng ating bayan. Tayo’ng mga kabataan.
Ang kabataan parin ba ang pag asa ng bayan, kabataan parin nga ba ang susi sa kinabukasan at hinaharap ng bayan, o kabataan parin ba ang magbibigay ng kaginhawaan. Kabataan parin nga ba. Tignan natin ang kabataang nasa ating paligid ihalintulad na lamang natin sa Bundok na unti unting nauubusan ng halaman at mga puno. Kabataan na unti unting lumilihis ng daan, kapwa natin kabataan na naliligaw na ng patutunguhan, kabataang unti unting nalalayo sa reyalidad at katotohanan.
Bilang isang kabataan, kabataan na lumalaban para sa kinabukasan, tayo mismong kapwa nila ang magsisilbing hagdan upang tulungan silang muli na maibangon ang kanilang sarili tulungan silang imulat sa totoong mundong ating ginagalawan tulungan silang tumayo at magsimula muli galing sa kalugmukan ng problemang kinaharap nila. Maraming kabataan ang Napariwa, kabataang sabihan lang ng mahal kita handa na nilang ibigay ang lahat para lamang sa salitang mahal kita, salitang kahit kelan hindi nila naramdaman sa loob ng kanilang tahanan hindi nila naramdaman sa sarili nilang pamilya. Kabataang uhaw na uhaw sa pag aaruga at atensyon mga kabataan napag iwanan na ng panahon.
Ako ay nasa inyong harapan kumakatawan at nagsisilbing boses ng aking kapwa kabataan, kapwa ko kabataan na handang bumangon muli handang magsimula muli handang buohin ang nasira nilang mga pangarap matuto muling tignan ng positibo ang kinabukasan. Satin na kapwa nila kabataan magsisimula lahat tayo mismong mamamayan ng bayan ang muling huhubog at gagabay, muling hahawak at aakay, muling magmamahal at mag aalaga para sa kabataan na kinabukasan ng ating sariling bayan.
Buhayin natin muli ang iniwan ng ating pambansang bayani sa ating mga puso’t isipan na “Kabataan ang Pag asa ng Bayan” tatayo tayo muli at sabay sabay na iwagayway ang bandera ng kabataan sabay sabay nating isigaw na tayo, kaming kabataan ang pag asa at kinabukasan ng ating bayan.
Photo Essay
– Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
https://brainly.ph/question/783278
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz

#KATARUNGAN
Yaman ng kalikasan, ganda ng bawat halaman, halimuyak ng bawat bulaklak, hatid sa mundo ay kaginhawaan. Malinis na hangin, kaakit akit na tanawin bunga ng iningatan at minahal na yaman. Halaman lamang sa bawat paningin ng tao hindi nakikita ang tunay na kontribusyon sa mundo. Bawat hangin na nalalanghap ng tao puno at halaman ang tumatrabaho.

Katarungan, katarungang nais matamasa ng bawat yaman. Sa nagdaang panahon sa mga oras na lumipas katarungan sa kalapastanganan ng tao sa yaman ng kalikasan. Ilang libong puno ang naitutumba bawat buwan para lamang maipatayo ang mga naglalakihang bagay na gawa sa semento lamang. Ilang ugat ang binunot para sa kagustuhan ng iba. Ilang bundok ang kinalbo at dinurog para sa kayamanang nakatago rito.

Kahit gaano pa bastusin ng tao ang kalikasan wala itong ibang gagawin kundi ibigay lahat ng pangangalangan ng isang nilalang prutas, halaman, at malinis na hangin yan ang dapat ingatan. Katarungan para sa yaman na walang ibang ginawa kundi tulungan ang mga taong lapastangan. Ibigay lahat ng pangangailangan. Ingatan at mahalin ang bigay ng inang kalikasan.

Bandang huli kapag ang mga bulaklak na ito ay maglaho, mga prutas ay kailanman hindi na muling tutubo mga tao din ang mahihirapan. Tao din ang hahanap ng paraan para maibalik si Inang kalikasan. Bago pa mahuli ang lahat ingat at mahalin na ito ng lubusan habang binibigay pa niya ang bawat kagustuhan.
Agenda
-Ang kahulugan ng salitang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan.
kinuha mula sa – https://brainly.ph/question/463067#readmore
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz at Marjorie Pedimonte
Adyenda ng Pagpupulong ng SSG Officers
Saan: Lagro High School– Main Campus (AVR)
Kailan: Biyernes ng 3:30 ng Hapon
Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasiyon ng Supreme Students Government
- Paghahanda para sa Sport Fest ngayong Oktubre
- Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Sport Fest tulad ng nasaad sa ibaba:
- Cheer dance
- Basketball
- Volleyball
- Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating tagapaggabay ng organisasyon.
- Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ng selebrasyon
- Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon
- Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa nasabing aktibidad
Maraming Salamat sainyong Kooperasyon!
Inihanda ni:
Darelyn Rivera
Katitikan
– Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng mga bagay at paksang pinag-usapan sa pagpupulong. Nakasulat dito ang mga mahahalagang punto na dapat gawin ng mga naatasang miyembro patin na rin ang iba pang plano ng grupo sa hinaharap.
kinuha mula sa https://brainly.ph/question/643246
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz at Marjorie Pedimonte
KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG SSG OFFICERS NOONG IKA-21, NG SETYEMBRE TAONG 2018, GANAP NA IKA-3:30 NG HAPON SA LAGRO HIGH SCHOOL- MAIN CAMPUS (AVR)
Mga Dumalo:
Christine Pantilliano
Darelyn Rivera
Avon Nalla
Mhica Ruiz
Marjorie Pedimonte
Yassmin Tanandato
Kristine Ramos
Hannah Sesmundo
Joana Omilda
Joash Naval
Arloi Zabala
DALOY NG USAPAN:
1.) Panimula
2.) Panalangin
3.) Mga natalakay
- Pagtalakay sa gaganapin na aktibidad (Sport Fest)
- Pag-organisa sa gagawing mga aktibidad
- Pagpapatawag ng mga pangulo sa bawat seksyon.
- Pag sangguni sa mg guro ukol sa gaganaping aktibidad
4.) Pasasalamat sa mga dumalo
5.) Pangwakas na panalangin
Posisyong Papel
-Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo. Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.
kinuha mula sa https://brainly.ph/question/852289#readmore
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz
Paglimot sa Sariling wikang kinagisnan: Posisyong papel
Malawak na ang sinakop ng wikang Ingles sa bansa, pero mas malaki ang naging ambag ng wikang Filipino sa ating mga mamamayan ng bansang Pilipinas. Hindi lang naman Ingles ang patuloy na gumagawa ng ingay sa mundo pati nadin ang wikang Hangul o wika ng mga koreano. Gumawa ng ingay noon ang balita na tatanggalin daw sa kolehiyo ang pagtuturo o pag aaral ng Filipino. Para sa anong kadahilanan? kahit kailan hindi maaaring iisang tabi na lamang ang wikang sumisimbolo sa pagiging isang tunay na Pilipino.
Malakas ang wikang Ingles, ngunit hindi sapat na dahilan ito para kalimutan ang wikang kinagisnas mo. Mayroon man na iilang trabaho na kailangan mahusay at magaling ang isang tao sa pagsasalita ng Ingles ngunit hindi naman lahat ng trabaho nangangailangan ng pagiging magaling sa ingles. Sabi ng CHED kaya raw nila ito nais ipatupad dahil sa kakulangan ng kaalaman sa wikang ingles ng mga Pilipino paano na lamag kapag nagtrabaho ito sa call center.
Para sakin, wala ng mas mahalaga pa na pag aralan at matutunan kundi ang sariling wika natin. Sa tagal ng panahon iilang tao na lamang ang may alam sa baybayin at kung paano ito basahin. Maling ipagpalit ang wika natin para lamang sa papuri sa husay at galing sa paggamit ng ibang wika.
Lakbay Sanaysay
-Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay.
https://brainly.ph/question/491100
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz
Baguio 2k18
#Fambam #TravelBuddy #PamilyangGala #2k18Lakbay
Ang paglalakbay namin patungo sa “The Summer Capital of the Philippines” ang Baguio. Isa ito sa pinaka naging masayang paglalakbay para sa akin dahil kasama ko dito ang pinaka mahahalagang tao sa aking buhay. Nakakapagod pero sulit lahat ng pagod na aking naramdaman, mula sa unang araw namin doon hanggang sa pinakahuling araw namin. Marami kaming napuntahan tulad na lamang ng isa sa pinaka nakakatakot at napakaraming kababalaghan na nangyayare ang Diplomat Hotel. Maraming istorya at pangyayari ang naranasan ng Retreat House na ito 1913-1915 ang pagbuo sa Dominican Hill and retreat House, 1915-1917 naging Colegio del Santissimo Rosario, 1917-1940 ginawa ito bilang isang Dominican Retreat & Vacation House, 1940-1945 binago muli at ginawang Refugee Center of the Dominicans, 1945-1948 Rehabilitation Period, 1948-1972 muli itong ginawang Dominican Retreat & Vacation House, 1972-1986 ginawa itong Diplomat Hotel Inc. ,1986-2004 Presidential Management Staff at 2004- hanggang sa kasalukuyan ginawa itong Baguio City Heritage Hill and Nature Park Declared Cultural Property by the National Historical Commission of the Philippines sa dami ng pinagdaan ng Lugar na ito hindi na nakakapagtaka ang iba’t ibang istoryang bumabalot dito. At marami pang lugar na maaari mong mapuntahan sa Baguio kaya masarap maglakbay dito dahil sa klima nitong malamig at masarap sa pakiramdam.
Halimbawa ni Marjorie Pedimonte
Lakbay sanaysay
Ang aming paglalakbay papuntang Ilocandia Adventure noong nakaraang taon 2017 ay nakakapagod ngunit masaya. Bakit nga ba Ilocos norte ang naisipan kong gawan ng sanaysay? Naisipan kong gawan ito dahil itong paglalakbay namin kasama ang pamilya ko ang hindi ko makakalimutan. Ang sarap sa piling na maglalakbay ka kasama ang pamilya mo kasama mo sa saya. Naging maingat ang aming paglalakbay tungo sa Ilocos. Sa mga araw na pananatili namin sa Ilocos ay tumuloy kami sa aming kamag-anak na duon na nakatira at may sariling bahay na. At matapos ang mahaba-habang pagpapahinga ay nakapag-sunduan na naming magtungo sa mga pasyalan duon. Ngunit iilan lamang ang aming mga napuntahan dahil kulang na sa oras ang aming pananatili roon. Nagtungo kami sa Welcome Arch, Paoay Church, Paoay Lake, at ang huli naming pinuntahan ang aking sobra-sobrang hindi malilimutan ang Sand Dunes. Sa mga ayaw umitim ay wag na kayong magtungo doon o kung gusto nyo magdala kayo ng panlaban sa tirik na tirik na araw. At syempre huwag nyo kakalimutang umiinom ng tubig at magdala ng maiinom. Matapos ang mainit ngunit masaya naming paglalakbay sa Paoay Sand Dunes ay dumiretso na kaming umuwi sa Manila. Hinding hindi ko malilimutan ang paglalakbay na iyon at nais ko pang bumalik roon sa mga susunod na panahon.
Replektibong Sanaysay
– Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o
prosa. Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian
kinuha mula sa https://brainly.ph/question/477069#readmore
Halimbawa ni Mhica Ella Ruiz
HUKAY
Hukay Dokumentaryo ni Atom Araullo, pumukaw ito ng aking pansin dahil sa ginawa nitong ingay sa balita noong mga nakaraang araw bilang isang mag aaral malaki ang naging epekto ng balitang ito dahil tumutukoy ito sa mga buhay na nawala at kalikasang nasira. Hindi natin puwede na isa walang bahala na lamang ang ginagawang kalapastanganan ng mga tao sa kalikasan dahil sa kapabayaan maraming inusenteng tao ang nadadamay, mga pangarap na nasisira, mga kinabukasang hindi na maipagpapatuloy pa, at mga pamilyang nawalan at ngayon ay humihingi ng hustisya. Hindi puwede na kalimutan na lamang ito hanggat walang nangyayari na masama hindi hihinto ang tao sa mga nais nilang gawin kahit pa peligro ang kapalit. At bilang isang estudyanteng may pagpapahalaga sa kalikasan mahalaga itong maaksyonan dahil sa mga illegal na gawain maraming buhay ang nasisira kalikasang nawawasak. Wag na natin antayi pang ang kalikasan ang gumanti sa ati dahil kahit kelan hindi natin kaya ang kaya nitong gawin at iganti sa atin.
Halimbawa ni Marjorie Pedimonte
Ang napunod kong dokumentaryo ay, dokumentaryo ni Kaea David na “Pag-asa sa Pagbasa”. Ang kaalaman ng mga bata ay hindi dapat iasa sa mga guro. Dahil magulang pa rin natin ang mangunguna para tayo ay matuto. Hindi sa lahat ng panahon tayo ay bata darating din ang panahon na tatsyo tayo sa sarili nating mga paa at gagamitin natin ang mga nalalaman at ang mga natutunan natin. Naalala ko limang taong gulang pa lamang ako ay marunong na akong magsulat ng aking buong pangalan at marunong na rin akong magbasa tulong aking mama. Simula ng marunong na akong humawak ng lapis ay araw-araw na nya akong timuturuan magsulat at magbasa. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay mama kung hindi dahil sa tulong nya hindi mahihirapan akong magbasa at magsulat. At maraming salamat din sa mga naging guro ko dahil hindi nila pinabayaan ang mga estudyanteng katulad ko. Ginawa nila ang kanilang responsibilidad.

